Sino-Sino Ang Kabahagi Upang Makamit Ang Inaasam Na Tagumpay Ng Bansa Sa Mundo Ng Paggawa?

Sino-sino ang kabahagi upang makamit ang inaasam na tagumpay ng bansa sa mundo ng paggawa?

Answer:

Sino-sino ang kabahagi upang makamit ang inaasam na tagumpay ng bansa sa mundo ng paggawa?

Isang magandang halimbawa ay si Manny Pacquaio. Ang nanay niya na si Mommy Dionesia, ang asawa niyang si Jinkee, ang mga anak niya at ang buong Pilipinong sumusuporta sa kanya kaya nagagawa at patuloy na nagagawa ni Manny ang kanyang adbokasiya bilang boksingero at pulitiko.

Explanation:

Magsagawa ng isang pakikipanayam sa isang indibidwal o pangkat sa inyong komunidad na naging matagumpay ang pamumuhay dahil sa kakaibang paglilingkod, produkto o gawaing isinasagawa niyo. Gumawa ng isang artikulo na naglalahad ng kinalabasan ng iyong pakikipanayam.

Isang magandang halimbawa ang puwede natin gawing inspirasyon sa larangan ng mundo ng paggawa at matagumpay na pamumuhay ay si Manny Pacquaio.

Emmanuel "Manny o Pac-Man" Pacquiao ay tubong Kibawe, Bukidnon. Lumaki na salat sa kabuhayan kasama ang kanyang amang si Rosalio Pacquiao at inang Dionesia Dapidran-Pacquaio.  Lumaki siya sa barong-barong kasama ang kanyang panganay na kapatid na si Sidra at dalawang nakababatang kapatid na lalaki na sina Bobby at Rogelio. Kabilang sila sa pinakamahirap na pamilya sa kanilang baryo na kahit bigas ay hindi nila magawang makakain.

Nagtitiyaga na lamang sila sa saging at kamote. At ang tanging suot lamang ay luma at mala-basahan na damit. Nagaral siya ng elementarya sa Saavedra Saway Elementary School kung saan niya natapos ang elementarya. Iniwan sila ng kanyang ama sa edad na 13, kaya napilitan siyang huminto ng pag-aaral dahil wala rin pantustos ang kanyang ina. Doon naman nagsimulang pumasok sa larangan ng Boxing pandagdag sa kita niya paglalako ng tinapay at tubig sa kalye.

Hindi rin naging mabilis ang pag-angat niya sa popularidad, taong 1994 ay ipinadala ng talent scout na si Yolanda Parcon si Manny para makilala ang businessman na si Polding Correa na naghahanap ng matitikas at magagaling na boksingero noong panahon na iyon.

Taong 1998, nagsimulang umarangkada ang kanyang karir bilang boksingero nang matalo nito si Chatchai Sasakul ng Thailand at nakamit ang titulong World Boxing Council (WBC) flyweight champion. Pagkatapos non ay sunud-sunod na ang kanyang pagkapanalo para makuha ang ibat-ibang titulo sa magkakaibang dibisyon.

Ikinasal naman siya kay Jinkee Jamora noong 2000. Mula noong ay mayroon na silang limang anak. Pumasok din siya sa larangan ng pulitika noong 2010 bilang representante ng Saranggani.

Tinuran siya bilang Peoples Champ at Pambansang Kamao bilang kontribusyon niya sa larangan ng boksing. Sa kabila nang makailang beses na pagkatalo ay patuloy siyang iniidolo ng mga Pilipino. Tanging si Manny Pacquaio lamang ang may kakayahang matanggal ang trapik at mga sasakyan sa Edsa tuwing may laban ito.

Sa kasagsagan ng kanyang karir sa pulitika at pagkatalo ay doon niya nakilala ang Diyos. Bagamat isa na siyang katoliko simula pagkabata ay hindi naman ito naging hadlang upang maging isang Born-Again" na Kristiyano.

Nakabangon muli ito sa pagkatalo dahil na rin sa lakas niya at tulong Diyos. Sa tulong din ng kanyang pamilya at buong pilipino na sumusuporta sa kanya, kaya nagawa nitong manatili sa popularidad.

Dagdag kaalaman buhay ni Manny Pacquiao:

brainly.ph/question/2008385

brainly.ph/question/1289884

brainly.ph/question/1480804

brainly.ph/question/1782744

Code: 9.24.1.10


Comments

Popular posts from this blog

Anong Mensahe Ang Mapupulot Sa Kabanata 18 Ng Noli Me Tangere?

Ano Ang Nakapaloob Sa Review Of Related Literature