Kumain Ng Wasto At Maging Aktibo Essay

Kumain ng wasto at maging aktibo essay

Kumain ng Wasto at Maging Aktibo

Sa mga nakalipas na panahon makikita ang mga pagbabagong nagaganap sa mga gawi at uri ng kinakain ng tao; ilan sa mga pagkaing ito ay ang hamburger, pizza, at softdrinks. Masustansyang maituturing nga ba ito? Sumusunod ba ang mga ito sa pamantayan ng pagkain ng wasto?

Mahalagang ang bawat kinakain ng tao ay sinusuring mabuti at sumusunod sa pamantayan ng wastong pagkain. Huwag kumain ng masyadong maaalat, matatamis, at mamantikang pagkain sapagkat itoy sanhi lamang upang taoy magkasakit. Panatilihin ang pag-eehersisyo upang kataway maging masigla.

Ang tamang pagkain ng go, grow, at glow foods ay makatutulong sa pagpapalusog at pagpapabuti ng kalusugan; ugaliin na ang bawat pagkain ay naglalaman ng mga ito para sa aktibong katawan at pag-iisip. Huwag magpadala sa mga nauusong pagkain kung ang dulot naman nito ay panganib; laging pakatandaan na ang pamantayan sa pagkain ay batay sa sustansya nito na maaaring ibigay sa katawan at hindi ang sarap na maaring matikman ng dila.

Ang malusog at aktibong pangangatawan ay tulay sa pag-abot sa magandang kinabukasan; kayat pakaingatan ang katawan upang hindi dapuan ng anumang uri ng sakit. Panatilihin ang paliligo at paglilinis ng katawan araw-araw upang kalinisan at kalusugan ay mapangalagaan.

Makiisa at tumulong sa pagpapalaganap ng malusog at masayang pamumuhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay at pagbabahagi ng kaalaman sa pagpapabuti ng kalusugan.

Para sa karagdagang impormasyon ikaw ay inaanyayahang magtungo sa link na nasa ibaba :

brainly.ph/question/2220915

brainly.ph/question/2247443

brainly.ph/question/2266381

#BetterWithBrainly


Comments

Popular posts from this blog

Anong Mensahe Ang Mapupulot Sa Kabanata 18 Ng Noli Me Tangere?

Ano Ang Nakapaloob Sa Review Of Related Literature