Anong Mensahe Ang Mapupulot Sa Kabanata 18 Ng Noli Me Tangere?
Anong mensahe ang mapupulot sa kabanata 18 ng noli me tangere?
Noli Me Tangere/Kabanata 18 : Mga Kaluluwang Naghihirap
Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa paghihirap ni Sisa at dalawang anak nito mula sa pamahalaang kastila. Sa literal na pakahuhulugan makikita natin na ang pamilya ni Sisa ang mga kaluluwang naghihirap. Subalit ang tinutukoy ng kabanata ay ang mga hindi magagandang ugali ng mga kastilang kura at mayayaman. Itinuturing ng kabanatang ito na ang mga kastilat mayayaman na mapagpanggap na kilala ang Dios ay hindi makitaan ng mga magagandang gawa. Bagkus sila pa ang gumagawa ng mga ikahihirap ng kanilang kapwa.
Ang mga mapang-abusong kastila at mayayaman ay ang mga kaluluwang naghihirap. Sapagkat nasa lupa pa lamang sila ay inihahanda na nila ang kaparusahan ng Dios sa kanila.
Sa ating lipunang ginagalawan kapansinpansin ang mga maling gawa ng mga nakaupo sa gobyerno. Subalit kapuna-puna ang mga isinusulong na programa. Ito DAW ay para sa mahihirap at sa pag-unlad ng bansa, ngunit itoy isa lamang palabas para makakuha ng simpatya ng tao at mapagtakman ang mga maling gawain. Silang may mga ganitong uri ng pag-uugali ay marapat na tanggalin sa pamamahala. Tayong mamamayan ay maging matalino sa pagpili at pagkilatis sa mga uupong opisyales ng pamahalaan.
Para sa karagdagang impormasyon:
Comments
Post a Comment